Hindi na raw makapag-antay si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatatlong State of the Nation Adress SONA mamayang hapon para i-report sa taumbayan ang mga programang nagawa na at gagawin pa lang ng pamahalaan.
Kaugnay nito, ginamit ng Pangulo ang weekend para mag-ensayo at tapusin ang paghahanda sa kanyang SONA.
Naglabas ng mga larawan ang Malacanang kaugnay sa naging paghahanda ng Pangulo.
Kabilang dito ang pag-practice nya sa kanyang speech, at last minute editing ng ilang mga salita.
Prinactice rin ng Presidente ang magiging pose nito sa kabuuan ng kanyang SONA.
Habang ang susuuting Barong ng Pangulo ay collaborative work daw ng mga artisans mula Lucban, Quezon, Taal, Batangas at Aklan.
Abangan naman ang #SONA2024 Special Coverage ng buong puwersa ng Brigada Philippines!
Mapakikinggan simula 02:30 ng hapon, sa lahat ng Brigada NewsFM Stations nationwide! Simulcast din sa Brigada TV, at lahat ng mga social media pages ng Brigada.