Taas sahod, sapat na teaching materials, less paper works, hiling ng ACT Sorsogon para sa mga guro

SORSOGON CITY—Binigyang-diin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Sorsogon City Chapter na mayroong tatlong pangunahing kailangan ang isang guro para sa komportable at maayos na pagtuturo na kanilang iniaapela sa pamahalaan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay ACT Sorsogon City Chapter President Narlyn Dechavez, sinabi nito na una sa kanilang apela ay ang taas sahod na patuloy nilang inilalaban at dapat nang mabigyang pansin.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Malaki anya ang epekto ng pinansyal na aspeto sa pang araw-araw na pamumuhay at pagtatrabaho ng isang guro.

Pangalawa ay ang tinatawag na logistics o mga gamit na dapat naibibigay sa mga guro gaya ng sapat na teaching materials halimbawa ang mga computers, laptops at marami pang iba.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Ito anya ay problema rin ng maraming kaguruan sa buong bansa lalo na’t nasa ilalim pa rin ang bansa ng blended learning.

Pangatlo ay ang mabawasan ang kanilang mga paperworks na dagdag pasakit sa mga guro na lagpas 12 oras na nagtatrabaho dahil sa dami ng gawain na dapat umanong mabigyan ng aksyon ng DepEd central office.