Universal Health Care Program, pinag-usapan sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay

LEGAZPI-Pinag-usapan na sa regular session ng Sangguniang Panalalwigan ng Albay ang patungkol sa pag-implementa ng Universal Health Care Program (UHCP).

Sa pangunguna ni Vice governor Atty. Edcel Grex Lagman, una ng napagkasunduan ng local officials ng lalawigan sa derektiba ni Albay governor Noel Rosal, na tutukan ang pag-implementa nito ngayong taon.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Kasama sa dumalo si DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera na syang mangunguna sa implementasyon nito.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Samantalang, ang  Universal Health Care Program ang hindi basta lamang simpleng programa kundi programa na dapat dumaan sa malalim at mahabang proseso.

Hiningi rin ng SPA ang suporta mula sa 15 municipal mayors at 3 city mayors ng lalawigan.