1.3-M households ng rotational brownouts ngayong taon – DOE

Makakaranas ang nasa 1.3 million households ng rotational brownouts ngayong taon, dahil sa mataas na presyo ng langis.

Ayon kay Department of Energy Secretary Raphael Lotilla, na karamihan sa mga magiging apektado ay ang mga remote areas o sa mga tinatawag na “off-grid” areas.

Batay sa National Power Corporation (Napocor), kailangan nila ng P11.4 billion para sa required 150,555 kiloliters ng langis na isusuplay sa enerhiya, pero kung ang kanilang available budget lang ay P7.5 billion, nasa 100,608 kiloliters lang umano ang kanilang mabibili.

Dahil dito, sinabi ng Napocor na mapipilitan sila na bawasan ang operating hours ng kanilang power plants para ang available na langis ay tatagal hanggang sa katapusan ng taon, na magreresulta naman sa reduced power supply sa ilang lugar.