Taal Volcano, nagbuga ng makapal na usok ngayong umaga

Muling naglabas ng makapal na puting usok ang Bulkang Taal ngayong umaga.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Taal Volcano Network residente volcanologist Paolo Reniva, ito umano ay resulta ng upwelling sa bunganga ng bulkan kasabay sa mga pag-ulan na nararanasan sa Batangas.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

“Nagkaroon po kasi ng thunderstorm sa Taal caldera kaya po ganun” ani ni Reniva.

Dagdag pa nito na ang makapal na usok na lumalabas sa bunganga ng bulkan na umabot sa 2,000 metro ang taas ay dulot ng malamig na panahon sa paligid ng bulkan dahil sa mga pag-ulan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa nakalipas na 24 oras ay naitala ang 51 tremors sa bulkan.

Umabot naman sa 3,848 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga nito kahapon.

Sa kabila nito ay nananatili sa alert level 2 ang alerto ng bulkan.