Taal degassing nitong March 11, naging mas aktibo

Inanunsyo ng PHIVOLCS na naging mas aktibo ang degassing mula sa main crater ng Bulkang Taal mula nitong madaling araw ng March 11.

Sa isang tweet, ay sinabi rin ng PHIVOLCS na nasa increased trend mula pa noong March 6 ang emission ng volcanic S02.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Ayon sa PHIVOLCS, nag-peak ito kamakailan noong March 9, 2022 sa 15,900 t/d.

Inihayag naman ng PHIVOLCS na dahil sa increased unrest ay nanatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Ipinunto naman ng PHIVOLCS na nitong alas-5 ng March 11 ay nakapagtala ito ng walong volcanic earthquakes kabilang na ang apat na tremors o pagyanig na tumagal ng dalawa hanggang walong minuto.