National Task Force Against COVID-19, posibleng mabuwag sa ilalim ng Alert Level 0 – DILG

Maaring mabuwag sa ilalim ng Alert Level 0 ang National Task Force Against COVID-19, sakaling maisakatuparan ng gobyerno ang National Action Plan Phase 5 sa ilalim ng Alert Level 0.

Inihayag ito ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III matapos niyang sabihin na para maimplementa ang Alert Level 0 ay kailangang maideklara ang COVID-19 sa bansa bilang “endemic.”

Read More:  ICC cancels July 14 status conference in Duterte crimes against humanity case

Ipinunto ni Densing na sa nasabing panahon, ang mga local government units na ang mamumuno sa policy-making at management ng COVID-19 cases.

Pero nilinaw ni Densing na pananatilihin ng gobyerno ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Ipinunto naman ni Densing na saklaw ng National Action Plan Phase 5 ng gobyerno ang economic recovery ng bansa mula sa epekto ng COVID-19.