Swine Blood Collection isinagawa ng Municipal Agriculture Office sa ilang barangay sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte para makaiwas sa ASF

Nagsagawa ng Swine Blood Collection ang Municipal Agriculture Office ng bayan ng Capalonga Camarines Norte sa ilang barangay nito bilang hakbang laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Sa dalawampu’t dalawang barangay ng nasabing bayan, anim dito ang isinailalim sa nasabing Swine Blood Collection na kinabibilangan ng mga barangay ng Villa Belen, Villa Aurora, De Pilar, Binawangan, Calabaca, at Mactang.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Hakbang umano ito upang mailagay ang nasabing bayan sa pink zone o buffer zone. Ibig sabihin ang kategoryang pink zone ay sumasaklaw sa mga munisipalidad o lungsod kung saan ang ASF ay hindi natukoy ngunit katabi ng mga kumpirmadong lugar na nahawahan.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Layon rin nitong pigilan ang pag-apaw ng mga kaso ng ASF mula sa mga red zone sa pamamagitan ng pinahusay na mga hakbang sa biosecurity.