Pilipinas, hindi tumitigil sa paghahanap ng paraan para matigil ang aggressive action ng China sa WPS

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na hindi tumitigil ang Pilipinas sa paghahanap ng paraan upang matigil na ang aggressive action ng China sa West Philippine Sea at magkaroon ng ganap na kapayapaan sa lugar.

Sa media interview sa Brunei, sinabi ng Pangulo na dapat masubukan ang lahat ng paraan, at kahit anong point of contact anya ay gagamitin ng Pangulo basta’t makapagbigay ito ng progreso at mapahinto ang mga agresibong aksyon ng China tulad ng pag gamit ng water cannon, laser, panghaharang at marami pang iba.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting
Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

At makapangisda ng malaya ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas na walang pinangangambahang harassment.

Sakali mang mangyari ito, sinabi ni Pangulong Marcos na isusunod nila ang hakbang kung papaano malulutas ang claims ng bawat bansa.