NAGA CITY- Bumulusok sa under construction na tulay ang isang puting SUV sa Pamplona, Camarines Sur.
Nangyari ang aksidente bandang alas 7:21 kagabi sa Barangay San Isidro kung saan makikita sa CCTV footage ang mabilis na takbo ng puting pribadong sasakyan patungong Maynila mula Legazpi City , hanggang sa bigla itong bumulusok.
Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Brigada News FM Naga kay PCpt. Antonio Per Jr, hepe ng Pamplona Municipal Police Station sinabing ligtas na ang apat na sakay kabilang ang driver, naisugod sila kaagad sa pagamutan.
Ayon kay Punong Barangay Dennis Tarusanan, nakilala ang driver na si Antolin Francisco Alvarez, ang mga sakay naman ay sina; Maria Verena Eduarte Y Tan, 52-anyos ng Quezon City at kasama nitong 16-anyos na binatilyo pati Jhon Vergel Eduarte 20-anyo ng Legazpi City.
Rason ng driver nasilaw sa ilaw ng kasalubong na truck kaya dumiridiretso sa tinatrabahong tulay, idagdag pa rito ang madulas na kalsada dahil sa ulang dala ng Bagyong Jolina.