Bagyong #JolinaPH, hindi gaanong naramdaman sa Catanduanes; PSWS sa isla, lifted na rin!

CATANDUANES—Bagaman isinailalim sa Public Storm Warning Signal ang lalawigan ng Catanduanes kasama ang iba pang mga probinsya sa Bicol dahil sa bagyong #JolinaPH, ay hindi naman gaanong naramdaman sa isla ang bagsik ng naturang bagyo.

Paliwanag ni Mr. Jun Pantino ng PAGASA-Catanduanes, hindi nakasali sa forecast track ng bagyo ang lalawigan matapos itong magbago ng direksyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Itinulak kase umano ng malakas na low pressure sa bandang China at high pressure naman sa bahagi ng Pacific Ocean ang bagyo kung kaya’t nagbago ang direksyon nito at sa halip ay tinumbok ang direksyon patungo sa Masbate kung saan ito ikaapat na beses na nag landfall partikular sa bayan ng Dimasalang.

Kaugnay nito, batay sa inilabas na datus ng OCD-Bicol, wala namang naitalang stranded passengers sa San Andres at Virac Port at wala namang residenteng inilikas dahil sa sama ng panahon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Hindi rin nagkansela ng pasok sa trabaho at eskwela samantalang kahapon pa ng gabi ay tinanggal na rin ng PAGASA ang Public Storm Warning Signal sa isla at ngayong araw ay inaasahang patuloy ang operasyon sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno. ###