Susunod na uupong kalihim ng DepEd, marapat lang umanong may karanasan na sa pagtatrabaho sa ahensya

Ipinunto ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na marapat lang na may dekada na o sapat ng karanasan ang papalit kay Vice President Sara Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito ay matapos ihain kahapon ni VP Duterte ang kanyang resignation letter sa Palasyo para sa kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos Jr..

Alinsunod, iminungkahi niyang iluklok sa nasabing pwesto ang taong may sapat na kaalaman sa pagpapa-andar sa departamento at maging sa pagresolba sa mga suliranin ng sektor ng edukasyon at ng sistemang edukasyon.

Maalala, ayon kay Senate President Chiz Escudero, hindi na talaga maiiwasan ang ginawang pagbaba sa pwesto ni VP Duterte simula noong atakihin ng pamilya at alyansa nito si Pangulong Ferdinand Marcos at maging ang pamilya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *