Oversight Committee Investigation sa umano’y iregularidad sa internal process sa Naga City, terminated na!

NAGA CITY- Terminated na ang imbestigasyon ng Oversight Committee ng Konseho ng Naga City sa ilang mga opisina na umano’y mayroong iregularidad sa internal processes.

Sa ika-95 na Regular Session , inilatag ni Konsehal Lito Del Rosario ang mosyon na i-terminate na ang imbestigasyon ng oversight committee dahil mayroon nang ginagawa ang Naga City People’s Council at WeSolve Foundation sa pagsilip sa mga proseso at gawa ng mga department heads. Subalit sinabi ni Konsehal Dr. Jess Albues na i-defer na muna ang usapin dahil wala si Konsehal Gayle Abonal-Gomez  na siyang naghain ng resolusyon noong Mayo na gamitin ang oversight function. Sinang-ayunan si Albeus ni Konsehal Dodit Beltran.

Dahil hati ang opinyon ng konseho nagdesisyon si Vice Mayor Nene De Asis na magkaroon ng  botohan; pabor sina Konsehal Del Rosario,  Coun. Badong Del Castillo, Vidal Castillo, Gen. Omar Buenafe, Dr. Sonny Rañola, Konsehal Ason Peñaflor at Coun. Joe Perez. Habang kontra na tapusin na ang imbestigasyon ng komitiba sina Konsehal Albeus, Dodit Beltran, Coun. Atty. Oying Rosales, at SK Federation President Ex Officio Member Jefson Felix.  Sa botong 7-4 terminated na ang imbestigasyon.

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured

Samantala, dumating si Konsehal Gomez mula sa isang court hearing, nais na i-reconsider ang mosyon ni Del Rosario sa termination, bukas ang konseho sa simumang konsehal na nais mag motion  sa susunod na Session na maipagpatuloy ang imbestigasyon sa konseho.

Magpapatuloy ang pagbusisi sa mga opisina sa pamamagitan ng NCPC at WeSolve Foundation, sa June 24, 2024 haharap ang mga Department Heads bitbit ang mga dokumento sa mga nais malaman, imbitado rito ang mga konsehal. Una nang sinabi ni  Coun. Del Castillo na mas maganda kung ang Commission on Audit (COA) sana ang mag-iimbestiga.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Para kay Coun. Rosales, naiintindihan niya ang mga pumabor sa termination gayundin ang mga kontra parte aniya ito ng “healthy discussion” sa konseho.

Kung babalikan, nag-ugat ang usapin sa sulat ni dating Vice President Leni Robredo ukol sa nakarating sa kaniyang impormasyon na kinakailangan ng fact-finding tulad sa bidding proccess sa mga proyekto ng lungsod, pati umano’y payola sa jueteng at iba pang usapin.