Mambabatas, umapela sa FDA na bigyan na ng EUA ang ‘best COVID-19 vaccines’

Hinikayat ng ilang mga mambabatas ang Food and Drug Administration na bigyan na ng ‘full aproval’ ang pinakamabisang bakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon kasi, tanging EUA pa lamang o emergency use authorization ang naipagkakaloob sa mga ito.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes, sa oras na mabigyan na ng full approval ang product registration ng mga vaccine manufacturers, mas mapadadali na ang access ng publiko rito.

Maaari umanong umpisahan ng FDA ang pagga-grant ng full approval sa Moderna at Pfizer vaccines kagaya sa Amerika.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Maliban pa rito, ipinanawagan din ni Ordanes na palawigin pa ang coverage ng mga eligible na maturukan ng 2nd dose ng bakuna.
#