Umapela si suspended Rep. Arnie Teves kay Pangulong Bongbong Marcos na i-assess na ang kaniyang gabinete.
Ito ay dahil sa ‘di umano’y patuloy na pagsisinungaling ni Justice Secretary Boying Remulla lalo na ang ilang mga idiniriin sa kaniya hinggil sa Degamo slay case.
Sa isang media forum, hinamon ni Teves si Remulla na patunayan ang mga alegasyon nito partikular na ang chopper at eroplanong ginamit umano ng mga suspek sa krimen para tumakas.
Aniya, imposible raw magkasa ang anim na tao sa Bell-505 na chopper na mayroon lamang 5-belted-seating-capacity; at paano rin daw nagkasiya ang 14 tao sa Dassault Falcon 50 ni Teves na mayroon lang 9-seating capacity.

Samantala, nang matanong naman ito kung naasang bansa na siya ngayon – ipinakita lamang niya ang larawang ipi-nost niya sa Facebook, kung saan makikita siya sa isang mall na nakasuot ng thawb, ‘o ‘yung pangkaraniwang sinusuot ng mga Arab men.
Nakuwestiyon pa ni Teves kung bakit daw itataas pa sa Korte ang video niya ng pagbu-budots. //LGD, edited MHEL PACIA