To-the-rescue ang mga kaalyado ni House Speaker Martin Romualdez matapos ang tila’y ‘di pa rin matapos-tapos na tensyon sa pagitan nila ni Vice President Sara Duterte.
Sunud-sunod na naglabas ng kani-kanilang mga pahayag ng pagdepensa ang ilang mga House leaders.
Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe – hindi raw sila magpapa-apekto sa tila’y ‘premature partisanship’ at mga ‘political rumblings’ para maipasa ang mga priority bills ng administrasyon.
Naniniwala naman si dating Deputy Speaker, Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez na mas magiging maayos daw sana ang ‘all-out support’ ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos kung maiiwasan lamang ang mga ‘poltiical bickerings’.
Panawagan ni Fernandez kay Duterte – dapat ay ituloy nila ang platapormang ‘unity’ ng administrasyon.

Ayon naman kay NUP president Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte – hindi raw prayoridad ng Kamara ang political divisiveness at dapat iwasan ang political discord dahil isa itong risk sa super majority alliance ng administrasyon.
Bago ito – pinakaunang dumipensa si Cavite Rep. Pidi Barzaga at sinabing dapat ay magpasalamat pa si Duterte kay Romualdez lalo na’t siya raw ang nagtulak sa kaniya na tumakbo sa pagka-VP. //LGD, edited MHEL PACIA