Hindi pa nakatatanggap ng kopya ng reklamo si Suspended Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil na inihain laban sa kanya at sa iba pa kaugnay sa operasyon ng POGO firm Lucky South 99.
Maliban kay Capil, respondents din sa complaint sina Porac Business Permit and Licensing Office head Emerald Salonga Vital, Municipal Vice Mayor Francis Tamayo, at ang pitong Sangguniang Bayan members.
Sa isang pahayag, sinabi ni Capil na sa media niya lang nalaman ang tungkol dito.
Kaugnay niyan, ikinalulungkot at ikinababahala na rin umano nila na sa media pa nila nalaman ang reklamo, at hindi sa inaasahang lugar at proseso.
Pagtitiyak naman ng alkalde, handa siyang harapin ang mga alegasyon sa tamang forum.