Na-monitor sa dalawang lugar sa Mindanao si Atty. Harry Roque.
Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief BGen, Jean Fajardo base na rin sa mga impormasyong ibinahagi ni CIDG Director BGen. Nicolas Torre III.
Namonitor doon si Roque nitong Setyembre.
Nagpapalipat-lipat daw ito ng lugar mula sa naunang natanggap na ulat na nasa Region 3 o Central Luzon at Calabarzon ito.
Kaya naman naka-focus ngayon sa Mindanao ang paghahanap ng pulisya.
Muli rin nanawagan si Fajardo sa mga posibelng nagkakanlong kay Roque na maaaring maharap sa kasong obstruction of justice.
Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration na nasa bansa pa ang dating Presidential Spokesperson.
Maaalalang , mayroong arrest order si Roque mula sa House Quad Committee makaraang tumangging humarap sa pagdinig at bigong magsumite ng mga dokumento na hinihingi sa kanya ng kumite hinggil sa umano’y kaugnayan niya sa illegal POGO operations.