Patay ang isang suspek sa robbery hold-up matapos makipag palitan ng putok sa mga otoridad kahapon ng madaling araw sa Panipuan Mexico.
Batay sa police report, sangkot umano ang suspek sa robbery hold up na nangyari sa bgy Lagundi, kaya agad nagpalabas ng flash alarm ang Mexico MPS.
Nataon naman umanong nasa area ang mga operatiba ng CIDG, kaya nang dumaan ang dalawang lalaking naka motorsiklo na tugma sa inilabas na description ng mga suspek sa robbery hold up, agad itong hinabol ng mga taga CIDG, subalit sa halip na huminto, nagpaputok umano ang back rider sa mga pulis.
Sa kasagsagan ng habulan, nahulog ang backrider nang biglang lumiko ang driver ng motorsiklo.
Nang mahulog, patuloy umano nitong pinuputukan ang mga humahabol na pulis kaya gumanti na rin ng putok ang mga otoridad na nauwi sa pagkasawi ng suspek, habang naka takas naman ang kasama nito.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.
