Umapela na si US President Joe Biden sa kanilang mga mababatas na tuluyan nang i-ban ang private ownership ng mga assault weapons at iba pang high-capacity magazines na armas.
Ito ay matapos ang serye ng mga mass shootings sa Amerika partikular na sa Texas, New York at ang pinaka-latest ay sa Wisconsin.
Matatandaang sa mga insidenteng ito kung saan ay dose-dosena ang sugatan o di kaya nama’y binawian ng buhay, pawang mga assault weapons ang gamit ng mga shooter.
Ayon kay Biden, ilang buhay pa ba ang kinakailagang mawala para lamang i-regulate ang pagbebenta ng mga armas na ito.
Kinundena rin nito ang pag-basura ng mayorya ng mga Republican senators na bigatan ang firearms regulation law.
#