LEGAZPI CITY – Binansagang Bayan Bangon Muli o BBM bill ay hanggang mistulang slogan o salita lang at bagong pangalan mula sa orihinal na Bayanihan Act. Sa isang panayam, sinabi Albay Rep. Edcel Lagman, kinakailangan makahanap ng panibagong pondo ang bagong administrasyon.
Aniya, hindi tulad umano ng Bayanihan 1 at 2, wala nang mare-realign sa 2022 National Budget dahil 90% nito ay naibigay na ng administrasyong Duterte sa mga departamento at ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa nito, ang pinagkuhanan ng Bayan Bangon Muli bill ay isang stimulus package na magbibigay-daan sa bagong presidente upang magamit ang lahat ng rekurso sa pagtatapos ng 2022, at magpasa ng mga hakbangin na kailangan upang matugunan ang pandemya Ayon pa sa kongresista, hindi na rin maaaring galawin ang Special Purpose Funds dahil nakalaan na ito sa ‘mandatories’ tulad ng mga sahod, pensyon, at para sa National Disaster Risk Reduction and Management Council Fund o calamity fund.