Suspek sa pananaga sa kanyang dalawang kamag-anak, sinampahan na ng asunto

Pormal nang sinampahan ng kasong murder ang suspek sa fatal bolo attack laban sa dalawang biktima sa bayan ng Magallanes, Sorsogon.

Ang principal suspek na si Jayson Jerao Jarabejo, 32-anyos ay kinasuhan na noong Martes, Nobyembre 14 ng two counts of murder sa pagkamatay ng kanyang kamag-anak.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

At large pa ang suspek sa oras ng pagsampa.

Naganap ang madugong insidente noong Nobyembre 9, 2023, alas 7:00 ng gabi sa Brgy Pawik ng nasabing bayan kung saan ang mag-amang biktima na sina Joselito Ebio, Jarabejo, 63-anyos at Joshua Simeon Jarabejo, 22-anyos, binataa, residente ng parehong barangay ay namatay dahil sa mga fatal wounds na tinamo ng mga ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi sa ulat na inatake ng suspek ang kanyang mga biktima sa loob ng kanilang tirahan at ang motibo ay dahil sa alitan sa lupa.