CAMARINES NORTE- Isang lalakeng may kasong paglabag sa RA 7610 ang inaresto ng kapulisan ng Paracale MPS sa pamumuno ni PMAJ EDWIN C ADORA, COP, sa Purok Rubi, Brgy. Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte.
Ang akusado ay nakilalang si alyas “RONALD”, 28 anyos, isang minero at residente ng Purok 2, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Ang nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 10(A) ng RA 7610 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge of Fifth Judicial Region Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang March 7, 2022.
Walumpong libong piso (Php 80,000) ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Base sa ibinigay ng report ng pulisya, ang insidente ng pambubugbog ay naganap noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Purok 1, Brgy. Tugos Paracale, Camarines Norte kung saan ang biktima ay menor de edad na anak ng suspek.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.
