NAGA CITY- Naaresto sa Pamplona , Camarines Sur ang umano’y suspek sa pagpatay sa 15-anyos na daligita sa Bulacan.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group- Camarines Sur matagumpay ang Oplan Pagtugis kung saan naaresto si Gaspar Maneja Jr , alias “Jose Francisco Santos”, 43-anyos sa Veneracion Pamplona, Camarines Sur.
Sa pinag-isang pwersa ng CIDG Camarines Sur PFU (Lead Unit), 501st MC RMFB5, RIU5-PIT2 Camarines Sur, NAVforSOL, PIU CamSur-PPO, CAMSUR PHT, Pamplona MPS, PIU-Bulacan, Bustos MPS at San Jose Del Monte, Bulacan CPS naaresto ang suspek sa Veneracion, Pamplona.
Nakasaad pa sa ulat na si Maneja ay suspek sa insidenteng nangyari noong Agosto 12 sa Bustos Bulacan kung saan 15-anyos na dalagita ang natagpuang may paso ng sigarilyo at pasa ang biktima.
Hustiya ang hiling ng pamilya Hustiya ang hiling ng pamilya.
Sinubukan ng BNFM Naga na kunin ang pahayag ng suspek pero umiling na lamang ito.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo , hindi nakipagmatigasan sa CIDG ang suspek.