Arestado ang isang Marius Verona Jr. , 37 anyos ng Bgy. Pulot Center, Sofronio Española Palawan.
Base sa ulat ng Brooke’s Point PNP, si Marius ang itinurong suspek sa pagkawala ng pera na pag mamay-ari ng isang guest ng resort sa Bgy. Calasaguen Brookes Point, Palawan.
Bago ang insidente , bandang 7:40 ng gabi nitong Sabado, July 23, 2022 ay magkakasama ang biktima at kanyang business partners sa Mt. View Agri Home Resort.
Ang isa sa guest ay si Francis A. Gaza na nagpasyang pumasok sa kanilang kwarto pero naka-kandado ito kaya sa bintana na lamang siya dumaan upang makapasok, at nang ito ay makapasok ay napansin nyang may tao sa CR kung saan naroon ang suspek.
Nang lumabas ang lalaki ay sinabi nitong may tinitiktikan siya o ini-spy na tao bago ito nagpakilalang isang pulis.
Matapos ito ay nag desisyon sila Francis at mga kasama na umalis na lamang sa resort pero nang i-check ng kasama niyang si Roy Odan ang kanyang pitaka ay natuklasan na wala na ang tinatayang humigit- kumulang 13, 500 pesos.
Samantala, agad nahuli ng awtoridad ang suspek nang magsumbong sila Francis sa mga barangay tanod.