SUSPEK NA MAY KASONG SEXUAL ABUSE ,TIMBOG SA ANGADANAN ISABELA Arestado kahapon ng mga alagad ng batas ang isang most wanted person dahil sa dalawang bilang ng kasong sexual abuse sa Brgy.Centro 3
Angadanan Isabela. Kinilala ang dinakip na si alyas Nico, trentay tres anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte na may petsang June 5,2024 na may inirekomendang piyansang dalawang daang libong piso bawat kaso para sa kaniyang pansamantalang paglaya.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa korteng pinagmulan.
/// analiza