Supreme Court, ‘tali kamay’ sa ‘red-tagging’

Aminado ang Korte Suprema na wala pa itong magagawa pagdating sa pagpaparusa sa mga indibidwal na sangkot sa red-tagging.

Inusisa kasi ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang Supreme Court sa plenary debates ng Kamara para sa 2024 proposed budget nito kung maaari bang i-define o i-review ang red-tagging dahil sa dami ng napahamak at namatay.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Hindi aniya tumutugma ang pahayag ng militar na non-existent ang red-tagging ngunit ang totoo, sumasailalim na sa surveillance ang biktima at inilalagay ang retrato sa tarpaulin o ipakakalat sa vloggers.

Nang tanungin kung nababahala ba ang korte at kung ano ang inisyatiba nito, iginiit ng sponsor na si Davao De Oro Representative Ruwel Gonzaga na wala itong judicial legislation para ituring na krimen ang red-tagging.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Kahit ano pa aniya ang gawing definition ng SC kaugnay sa red-tagging ay hindi sila makakapagparusa dahil nasa Kongreso na ang bola para maisakatuparan ito.

Paliwanag ng sponsor, mismong ang lehislatura ang dapat magsulong ng panukala upang ma-criminalize na ang red-tagging.