Tapos na ang pag-iimprinta ng official ballots na gagamitin sa darating na 20230Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre 30.
Ngayong araw nga ay ginanap ang turn over ng mga balota na pinangunahan ni National Printing Office Director Renato Acosta at ni Commission on Election Chair George Garcia.
Nabatid na may kabuuang mahigit sa 92M manual ballots ang naimprenta para sa BSKE habang may mahigit sa 2M balota naman para sa plebisito sa San Jose Del Monte, Bulacan na pagbobotahan para maging isa ng ganap na highly urbanized city.
Una rito, tiniyak ng Comelec na handang-handa na sila sa gaganaping manual election sa susunod na buwan kung saan nag-umpisa na rin ang training ng mga itatalagang electoral board member.
Samantala, tuluyan ng inaprubahan ng Comelec ang kahilingan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi isama ang fuel subsidies sa spending ban na inilabas ng ahenysa para mabantayan ang mga bibili ng boto sa halalan.
