OVP, nanindigang hindi pang-propaganda ang ‘Isang Kaibigan’ book nila

Iginiit ni OVP Spokesperson Michael Poa na malayo sa isip ni Vice President Sarah Duterte ang National Elections sa 2028 kung kaya hindi pangangampanya ang rason ng libro niyang pinamagatang “Isang Kaibigan.”

Ito ay sa gitna ng inilaang P10M sa proposed 2025 budget para sa paglimbag ng 200 copies nito.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon kay Poa, isa sa mga hamon sa DepEd ay ang pagbabasa ng mga kabataan.

Sa isa ring pahayag, sinabi ni VP Sara na ang libro ay bahagi ng kanyang tatlong adhikain na inilatag noong nagdaang eleksyon.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Bahagi aniya rito ang edukasyon.

Mababatid na kabuoang P2.037B ang budget na hinihiling ng OVP para sa susunod na taon.