LEGAZPI CITY – Unti unti nang bumabalik ang supply ng tubig sa mga barangay mula sa bayan ng Guinobatan, Albay, dahil sa umano’y nararanasang sunod-sunod na pag-ulan ngayong buwan ng Hulyo.
Ito ay kinumpirma mismo ni alkalde ng nasabing bayan na si Paul Chino Garcia.
Sinabi ng alkalde na nasa tatlong water source lamang umano ang kanilang pinagkukuhanan ng tubig. Ito ay mula sa Masarawag, Mabalod, at Burokburokan kung saan ito ang nagsusuplay ng tubig sa ilang barangay sa bayan.
Ayon pa sa opisyal, hindi na umano ngayon nahihirapan ang mga residente sa pagkuha ng tubig sa kanilang barangay dahil mayroon na ang mga itong nakukuha mula sa water sources.
Dagdag pa ni Garcia, malaking tulong din umano ang pag-ulan dahil sa pagdagdag ng level ng tubig sa nasabing mga water sources kung kaya’t maituturing din umano itong biyaya sakanilang lugar dahil hindi na umano mamomroblema ang residente sa pagkuha o paghanap ng tubig sa kanilang barangay.