CAMARINES SUR- Umabot na sa 179, 600 ang bilang ng mga enrollees sa Camarines Sur; pinaka marami sa mga mga probinsya sa Bicol Region base sa tala ng Department of Education Bicol.
Sa huling update ng ahensya, nakapagtala ng mahigit 47,000 ang Naga habang 22,000 sa Iriga City Division. Kaugnay nito umarangkada na rin ang bayanihang paglilinis at pagkukumpuni ng mga dapat ayusin sa paaralan sa pagsisimula ng Brigada Eskwela.
Samantala, ayon kay Ricky Baesa, Health Committee Chairman sa Tambang, Tinambac Camarines Sur, kaisa ang barangay sa pagtitiyak ng kalinisan upang maiwasan ang mga sakit. Magkakaroon din ng inspection sa canteen upang masiguro na ligtas at malinis ang ihahain sa guro at mag-aaral.