Wala pang problema sa suplay ng baboy.
Ito ay sa gitna ng kumakalat na African Swine Fever (ASF), at pagdedeklara na ng state of calamity sa lalawigan ng Batangas na lubhang tinamaan ng naturang sakit.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Department of Agriculture (DA) Asec. Arnel de Mesa, sinabi nitong maayos pa ang suplay ng baboy lalo pa’t iba na rin ang ipinatutupad na sistema sa pag-depopulate ng mga nito.
Samantala, binigyang-diin ni De Mesa na asahan na ang pagbaba ng presyo ng mga baboy sa mga lugar na apektado ng ASF.
Kasabay nito ay paalala ng ahensya – bumili ng karne ng baboy sa mga kilalang pamilihan dahil tiyak na dumadaan ito sa pagsusuri.
Bago ito, una nang tiniyak ng DA ang tulong sa mga hograisers na apektado.
Sa mas mataas na indemnification, makatatanggap na ng P4,000 na tulong ang kada biik na papatayin; P8,000 sa mga medium-sized; habang P12,000 naman sa bawat malalaking baboy na ide-depopulate.
#