Senadora, umaasang maibabalik ang dating patakaran ng bicam para sa deliberasyon ng 2025 National Budget

Mistulang nire-raid umano ng Department of Finance (DOF) ang ilang budget ng government corporations tulad ng PhilHealth ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Ito ay upang malagyan lang nila ng karagdagang pondo ang mga priority programs na nilagay sa unprogrammed funds sa kasalukuyang taon.

Kung saan, isa lang umano sa halimbawa nito ang ginawa sa P70 bilyon na budget para sa flood control projects na di kalaunan ay inilipat papunta sa unprogrammed budgets.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kasunod nito, upang hindi na maulit ang ganitong kaparehong sitwasyon, hiniling ng senadora na ibalik ang dating tradisyon na pagkakaroon ng full face-to-face meeting at deliberasyon ng lahat ng mga miyembro ng bicameral conference.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maliban pa roon, dapat din umanong magkaroon ng transparency sa pagpapakita ng buong bicam report bago ito ibalita sa plenaryo ng komite.

Matatandaan, ang unprogrammed budget ay tumutukoy sa mga pondong hindi pa nakatakdang gastusin at maari lang magamit kapag nagkaroon ng sobrang kita o pondo.