Suplay ng karne ng baboy sa Surallah, nananatiling sapat

KORONADAL CITY — NANANATILING sapat ang suplay ng karne ng baboy sa bayan ng Surallah, South Cotabato sa kabila ng kumpermadong kaso ng African Swine Fever o ASF sa isang barangay ng bayan at sa kautusan ni Surallah Mayor Antonio Bendita na nagbabawal sa pagkakatay ng baboy sa bayan hanggang Hunyo 18.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay Michelle Emboltorio, isa sa mga meat vendor, nananatiling maganda ang bentahan ng karne ng baboy sa kanilang public market.

Pinasiguro din nito na handa nilang sagutin ang mga katanungan ng mga mamimili ukol sa kanilang karneng paninda dahil may kaukulang papeles naman umano ang mga ito.
Samantala, regular din umano ang inspeksiyon ng slaughterhouse master sa mga karneng dinadala sa palengke.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Napag-alaman na naglabas din ng Executive Order si Surallah Mayor Antonio Bendita na nagbabawal sa pagbiyahe ng mga baboy sa nasabing bayan upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.