Super Typhoon Henry bahagyang lumakas habang lumalapit sa extreme Northern Luzon

Bahagya pang lumakas ang Super Typhoon Henry habang patuloy na lumalapit sa extreme Northern Luzon.

Batay sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong Henry sa layong 430 km silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes

Taglay ngayon ang lakas ng hanging na aabot sa 195 kph malapit sa gitna at pagbugso na papalo naman sa 240 kph.

Kumikilos ito patungo sa direksyong timog timog-kanluran sa bilis na 25 kph.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Batay sa forecast, patuloy na kikilos ang Super Typhoon Henry pa-timog ngayong araw hanggang bukas ng umaga at saka ito babagal ang galaw o halos ‘stationary’ pagsapit ng tanghali hanggang gabi.

Sa Sabado, inaasahan namang muling bibilis ang kilos ng naturang bagyo kung saan pa-hilaga o papalabas na ng bansa ang direksyon.

Sinabi ng PAGASA, nananatiling mababa ang tyansa nitong mag-land fall o tumama sa kalupaan.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Gayunman, posible pa ring magtaas ng Storm Signal sa ilang lugar sa extreme Northen Luzon dahil sa lawak ng sakip ng bagyo.

Inaasahan namang bukas ay iiral na ang malakas na hanging habagat o southwest monsoon sa malaking bahagi ng bansa na dulot pa rin ng Bagyong Henry.

Ngayong araw, mananatiling maaliwalas ang panahon sa halos buong bansa, maliban na lamang sa Northern Luzon na makakaranas na ng mga pag-ulan dahil sa extension ng bagyo.