Patuloy pa ring iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog sa isang residential area sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – nagsimula ang apoy 11:45 kaninang umaga, at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma makalipas lang ang isang minuto.
Mabilis din na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan sa area at tinaas sa 5th alarm kaninang alas-dose trese ng tanghali.
Ala-una y medya nang iakyat alerto sa task force bravo.
Nagsagawa naman ng bambi bucket operations ang chopper ng Airforce 505th Search and Rescue Brigade.
Rumesponde rin ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa area.
Sa ngayon, tuloy pa ring inaapula ang apoy.
Wala pang inilalabas ang BFP na pinsala, at kung mayroon bang nasaktan o nasugatan sa sunog.