Nanawagan si National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na huwag idamay ang Department of National Defense (DND) sa pamumulitika matapos ang kanyang ‘fake news’ resignation.
Ayon kay Teodoro, wala siyang intensyon na lisanin ang kaniyang puwesto.
Aniya, nangako siya kay Pangulong Bongbong Marcos na patatatagin pa ang misyon sa Armed Forces sa pamamagitan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept.
Sinabi pa ng kalihim na hindi siya tatakbo sa 2025 dahil ipinangako niya sa Pangulo Marcos na gagampanan niya ng buong-puso at pag-iisip ang pagiging secretary ng National Defense.
Sa huli, ikinagagalak naman ni Teodoro na nabigyan siya ng pagkakataon na magsilbi sa presidente, at matugunan ang mga misyon para sa kinabukasan ng Department of National Defense ng Pilipinas.