Pagbigay ng porsyon sa mga dayuhan na kontrolin ang edukasyon sa Pilipinas, kailangan munang pag-aralan nang mabuti -Naga City Councilor

NAGA CITY-  Isang malawak at mahabang pag-uusap ang kailangang gawin bago ipasa sa Senado ang panukalang isinusulong sa pagpayag at pagbigay ng porsyon sa mga dayuhan na kontrolin ang edukasyon sa Pilipinas sakaling matuloy ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Naga City Councilor Joselito Del Rosario, Chairman ng Committee on Education. Katunayan, kasalukuyang pinag-aaralan ng opisyal ang mga mungkahe ng bawat senador patungkol sa nasabing usapin dahil may mga nakikita naman siyang mga positibong bagay na maaaring makatulong sa sistema ng edukasyon ng bansa.

Read More:  Philippine Serpent Eagle rescued in Kidapawan

Batay na rin sa obserbasyon ng konsehal, marami pang dapat ayusin sa sistema ng edukasyon sa lungsod kung kaya’t kailangan munang pag-usapan at pag-aralan ito nang mabuti.