Sunog sa isang residential apartment sa Maynila kanina, naapula na

Umabot sa ikalawang alarma ang nangyaring sunog sa Bgy 495 sa Sampaloc, Maynila ngayong hapon.

Ayon kay Deputy District Fire Marshal Fire Superintendent Leo Andiso ng BFP Manila, alas 12:39 kaninang tanghaling nang matanggap nila ang fire alarm habang idineklarang fire under control dakong ala 1:31 kanina.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Labing limang pamilya ang apektado at tatlong residential apartment ang naapektuhan.

Wala naman aniyang nasaktan o casualties sa nangyaring sunog.


Samantala, wala naman naisalba sa kanyang mga gamit ang isa sa mga residenteng naapektuhan ng sunog.

Kwento ni Gyn Espinesi, amoy kuryente at bigla na lamang nag apoy sa tinutuluyan nila.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Kumuha pa raw siya ng isang timbang tubig upang apulahin ang apoy ngunit hindi na raw niya napigilan ang pagkalat nito.

Ayon sa BFP, aabot sa 1.6M ang inisyal na danyos ng nangyaring sunog.

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.