Umakyat na sa tatlo ang kumpirmadong mga binawian ng buhay matapos ang pananalasa ng Bagyong Florita sa Northern Luzon.
Sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, mayroon nang 3 deaths habang apat naman ang sugatan dulot ng bagyo.
Una nang na-validate ang pagkamatay ng pagkamatay ng dalawang mga nabagsakan ng puno sa Cagayan at sa Kalinga.
Bineberipika naman ang pagkalunod ng sa Camarines Sur bunsod ng mga pagbaha.
Bago ito, vina-validate pa rin kung related sa bagyo ang pagkamatay ng dalawang pasahero ng isang bus na tumaob sa Isabela.
Sa LagingHanda press briefing nman ngayong umaga, sinabi ni Office of Civil Defense Asec. Raffy Alejandro na aabot sa 48,000 na mga indibidwal o katumabas ng 12,000 na mga pamilya ang naapektuhan ng Bagyo sa apat na mga rehyon.
6,000 naman na mga indibidwal ang kabuoang bilang ng mga displaced individuals.
#