Student researchers ng Basud National High School muling nagpakitang gilas sa isang international competition

CAMARINES NORTE – Sumabak sa kompetisyon ang Science Technology and Engineering researchers ng Basud National High School sa 2024 International Creativity Innovation Award ICIA) na ginanap sa Bangkok Thailand nitong April 26-28 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa official facebook page ng BNHS, tinatayang nasa 500 student-researchers at coaches ang dumalo sa kumpetisyon kung saan karamihan sa participants ay nagmula sa iba’t- ibang bansa tulad ng United States of America, China, India, Shri Lanka, Pakistan at iba pa. Sa 70 teams na nagpresenta ng kanilang innovations, nasungkit ng BNHS ang gold award.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak sa international competition ang BNHS. Kung maalala, Marso nang nakaraang taon ay sumabak ang student researchers ng naturang eskwelahan sa SEAMEO- STEM- ED Fair and Exposition na ginanap sa parehoong bansa. Nilahukan ang kumpetisyon ng nasa sampung ASEAN Nations. Sa tatlumpung winning projects, nakakuha ang Pilipinas ng lima at tatlo dito ay nagmula sa Camarines Norte Division kung saan dalawa nito ay mula BNHS.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City