KALAHI Coordinator sa bayan ng Basud nagpaliwanag hinggil sa isyu ng mga trabahador na ilang buwan nang hindi nababayaran

CAMARINES NORTE – Nagpaliwanag ang Area Coordinator ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS hinggil sa isyu ng mga trabahador na ilang buwan nang hindi nababayaran partikular sa isang proyekto sa Barangay Tuaca.

Kahapon humarap sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan si Jazyl Aballa, Area Coordinator ng KALAHI at iba pang personalidad para sagutin ang isyu na nabuksan sa regular na sesyon noong nakatalikod na linggo makaraang dumulog ang mga apektadong trabahador.

Ayon kay Aballa ang hindi pa nabayarang payroll period ay November 20 hanggang December 4, 2023 na nagkakahalaga ng 43, 695.

Paliwanag ni Aballa, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ang mga nagrereklamong trabahador ay dahil sa pagbabago ng mga signatory.

Wala rin umanong nakakarating pa sa kanilang opisina na mga kaukulang dokumento na magiging basehan para mabayaran ang mga trabahador taliwas sa sinasabi ng mga nagrereklemo.

Nangako si Aballa na kapag kumpleto na ang mga dokumento ay makakasahod din ang mga  apektadong trabahador.

Gayunman, hindi pa rin naging malinaw kung papaano talaga makakasahod ang mga apektadong trabahador.

Sabin i Aballa, mababayaran naman ang mga ito pero kailangan ang augmentation of fund ng LGU.

Pero una nang inihayag ng LGU na wala na itong pagkukunan ng pondo dahil naibigay na rin nito ang counterpart.

Bukod sa Tuaca may ilan pang Barangay na may problema sa mga sa  ginagawang proyekto sa ilalim ng KALAHI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *