Ordinansang nagbabawal sa pag-angkas ng bata sa motorsiklo sa bayan ng Basud aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Aprubado na sa  ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang ordinansang nagbabawal sa pang- angkas ng bata sa motorsiklo sa bayan ng Basud, Camarines Norte sa regular na sesyon kahapon.

Ito ay ang local  implementation ng Republic Act No 10666 o Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015.

Sa ilalim ng batas na ginawan ng “enabling ordinance,”  ipinagbabawal sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na may sakay na bata, sa mga pampublikong kalsada na may mabigat na bulto ng mga sasakyan, may mataas na densidad ng mabilis na gumagalaw na mga sasakyan o kung saan ang limitasyon ng bilis ay higit sa 60/kph.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Maliban na lang kung maginhawang naabot na ng batang pasahero ng kaniyang mga paa ang foot peg ng motorsiklo, naabot na ng mga braso ng bata at kaya nang humawak sa rider ng motor at nakasuot ng tamang  helmet.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Nakasaad sa penal provision ng ordinansa  na ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P2, 500.

Magreresulta rin sa revocation ng driver’s license ng Land Transportation Office  kapag ang violation ay lumagpas na sa ikatlong paglabag.

Ang Traffic Management Authority ng Lokal na Pamahalaan ang over-all in-charge sa implementasyon ng ordinansa  katuwang ang Philippine National Police.