BNFM BICOL – PINANGUNAHAN ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol ang Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) Program payout kung saan aabot sa 240 na estudyante ang nakatanggap ng halagang P25,000 na financial assistance.
Nakasama at nakatulong ng CHED Bicol sa SMART distribution si Representative Elizaldy Co ng Ako Bicol Party-list.
Samantala, pinayuhan naman ni CHED Chairperson Popoy de Vera III ang mga grantees na gamitin sa mga pangangailang edukasyon ang financial assistance na kanilang natanggap. # # # Pauline Manga, Intern