Stocks ng bigas sa NFA Camarines Sur kakaunti; pamunuan humingi na ng tulong sa ibang rehiyon

NAGA CITY- Siyam na libong sako lamang ang stocks na bigas ng National Food Authority (NFA) -Camarines Sur , nag-aalala ang pamumuan dahil sa banta ng Bagyong Paeng at may mga pamilya na ring inilikas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Provincial Manager Romeo Ocampo, sinabi nitong kakaunti ang kanilang mailalabas dahil kakaunti rin ang pumapasok o nabibili nilang palay, mas mahal kasi sa commercial traders.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Gayunpaman batid ni Ocampo na mayroon namang stocks ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) at authorized ang LGU na bumili sa iba tuloy ang paggawa ng hakbang ng NFA upang madagdagan ang supply.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Humingi na ng tulong sa Provincial Government upang mahikayat ang mga magsasaka na magbenta ng palay sa NFA. Lumapit na rin sa mga kalapit rehiyon; 150,000 na sako ng bigas ang inaasahang darating pero hindi pa masigurado kung kailan dahil sa bidding process at trucking service.