Station commander ng PS2, ayaw rin magpa- Poly graph test

Tumanggi na rin na sumailalim sa poly graph test ang Commander ng Police Station 2 na si PMAJ. NOEL MANALO.

Ayon kay Manalo, ginawa lang nila ang tungkulin nila bilang alagad ng batas kaya wala na siyang planong sumailalim pa sa pagsusuri.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Una nang iginiit ng opisyal na malinis ang kanyang konsensya at kaya niya umanong humarap sa madla.

“Oo kaya kong humarap sa mata ng mga tao na wala akong ginawang masama, nagtrabaho lang naman kami” ani Major Manalo

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aminado siya na naaapektuhan na ang kanyang pamilya at anak sa kontrobersyal na usapin.

Si Major Manalo at CIO Richard C. Ligad ay hinamon ni Senador Raffy Tulfona sumailalim sa polygraph test na parehong idinawit ni Leobert Dasmariñas sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno.