Hindi na magpapa- Polygraph examination si Puerto Princesa City Information Officer Richard C. Ligad.
Ayon sa opisyal, wala na rin halaga pa kung ano ang magiging resulta ng lie detector test at wala na rin itong magagawa pa sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno.
” No bearing na , wala na ring maitutulong pa ‘yan sa imbestigasyon … wala ng bearing eh.” ani Ligad
Kung matatandaan, idinawit ni Leobert Dasmariñas ang opisyal sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn at kahapon, hinamon siya ni Senator Raffy Tulfo na magpa- lie detector test din.
Sa kabila nito, kaya daw ng opisyal na tumingin ng diretsahan sa mata ng mga tao.