Philippine Society of Mining Engineers, pormal nang binuksan ang Mining Engineers Convention 2022 sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Pormal nang binuksan ang Mining Engineers Convention (MINECON) ngayong taon 2022 ng Philippine Society of Mining Engineers na isinagawa sa Legazpi City Convention Center (LC3).

Pinangunahan ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) Bicol kasabay ang mga dating Regional Director sa Mindanao area at iba pang opisyal.

Naging panauhing pandangal din si Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal na kung saan sa kanyang talumpati inihayag niya ang kahalagahan ng industriya ng pag mimina sa pag-unlad ng isang lugar.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naniniwala ang alkalde na sa pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ng kanilang grupo, maiiwasan ang posibleng negatibong epekto lalo na sa kapaligiran ng pag mimina.

Bahagi rin ng aktibidad ang exhibit na naglalayong ipaintindi sa publiko ang kahalagahan ng industriya ng pagmimina, habang ang sentro ng pagtitipon ay ang pagtataguyod ng responsableng pagmimina.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon naman kay MGB Bicol Regional Director Danny Molina, umaasa ang tanggapan na magdadala ng positibong resulta ang ginaganap na convention sa pagitan ng industriya at mga stakeholders.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Mining Engineers Optimizing The Materials Industry’s Socio-Economic Contributions.”