State of the art na memorial park, itatayo sa Koronadal

KORONADAL CITY – AARANGKADA na sa susunod na taon ang unang bahagi ng konstruksyon ng isang state of the art na memorial park sa lungsod ng Koronadal.

Ito ay matapos na inaprubahan na ng city government ang pondo ng nasabing proyekto na umaabot sa 4.1M pesos.
Ang 5 ektaryang memorial park na matatagpuan sa barangay Mabini ay magiging sagot umano sa masikip na public cemetery ng lungsod sa kasalukuyan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa plano, ang nasabing libingan ay may mga pasilidad kagaya ng chapel, apartment-type nitches, columbarium, ossuary, crematorium, ground burial, toilets, admin building at waste water treatment facility.
Layunin ng nasabing proyekto ang mabigyan ng dekalidad at desenteng libingan ang publiko sa mas mababang presyo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pandemya hindi hadlang sa patuloy na pagklilingkod ng CDRRMO ng Koronadal.