State of calamity, planong ipatupad sa Pio Duran dahil sa epekto ng El Niño

LEGAZPI CITY – Planong ipatupad sa bayan ng Pio Duran, Alba yang state of calamity dahil sa nararanasang epekto ng El Niño phenomenon.

Ito ang kinumpirma ni Albay Provincial Agricultures Office (APAO), kung saan sinabi niya na hinihintay pa ng Municipal Agricultures Office ang resolusyon ng Municipal Agriculture and Fisheries Council upang maideklara na ang state of calamity sa bayan.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Legazpi kay Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Office head Noel Orduña, sinabi nito, marami na ring mga magsasaka at kabuhayan ang apektado dahil sa El Niño.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, ang kanilang bayan ay nakakaranas din naman ng mga manaka-nakang pag-ulan subalit hindi naman sapat upang matugunan ang pangangailangan ng agricultural sector.

Binigyang-diin pa niya, tuwing darating ang Summer Season, nawawalan talaga ng supply ng tubig ang bundok na bahagi ng lugar kaya’t umaasa lamang ang iba sa ulan.

Subalit, may mga plano naman umano ang lokal na pamahalaan upang ma-address ang problemang ito at isa rin sa mga hakbang ay ang araw-araw na paghahatid sakanila ng mga tubig.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, ito umano ang unang pagkakataon na magdedeklara sila ng state of calamity nang dahil sa El Niño, kadalasan kasi, nagpapatupad sila nito kung mayroon lamang na intensified habagat.

Dagdag pa ni Orduña, ang rekomendasyong pagdeklara ng state of calamity sa bayan ay suportado rin ng kanilang alkalde na si Mayor Alan Arandia.